Linggo, Hulyo 17, 2016

Queen City Of The South


CEBU CITY


Ang cebu city ay isa sa mga sikat na lugar sa Pilipinas dahil sa mga magandang tanawin nito at sa mga masasarap na pagkain na niluto ng mga Cebuano at karamihan sa mga tao dito sa Cebu ay mga masayahing tao.
 Isa sa mga kultura ng mga Cebuano ay ang pag diriwang ng Sinulog Festival na nagaganap tuwing ika tatlong linggo ng Enero.May maraming handa ang inihanda ng mga Cebuano tuwing Sinulog at ang Sinulog ay isang sayawan ng mga grupong galing sa ibang panig ng bansa. Meron ding mga artistang bumibisita sa Cebu tuwing sinulog.
Isa sa mga delikasya sa Cebu ay ang Lechon baboy at Chicharon. Ang Lechon ay isa sa mga sikat na pagkain sa Cebu at ito'y isa sa mga paboritong pagkain ng mga Cebuano lalo na't pag may okasyon. Masarap at malutong ang balat ng lechon at ito'y kinaaaliwan ng mga Cebuano. Karamihan sa mga Chicharon ay mabibili sa CarCar at ito'y galing sa baboy na pinalubog nila sa mantika at isa ito sa mga binibili ng mga dayunan.